Mga Pahina

Huwebes, Nobyembre 12, 2015

Saan Na Punta Ang Pera Ni Juan?


Kaibigan,

Pamilyar ka ba sa tatlong mukha ni Juan pagdating sa paggamit ng pera?
Alam mo bang may pagkakaiba sa diskarteng pinansyal si Juan mahirap, middle class at mayaman? 

Mga simpleng diskarteng dahilan kung bakit...

“Ang Mahirap Lalong Humihirap...
Ang Middle Class Stressed Out at Walang Oras... At ang Mayaman Lalong Yumayaman”



Sobrang simple lang ng mga ‘to, nakapagtataka bakit di lahat ng tao pamilyar dito.
Sabagay, di ko nga rin alam ‘to nung una, at nung alam kong ganun kasimple, nashock talaga ako.

Kung matagal mo nang naitanong sa sarili mo ang mga tanong na ‘to, mag‐eenjoy ka dito sa hinanda kong facts para sayo. 

Sabay nating hihipan ang mga outdated at maling information na kumakalat ngayon.

At mamaya, bago tayo magtapos sa maikling pag‐uusap natin, titignan din natin kung...

“May Pag‐asa Pa Ba sa Panahon Ngayon ang Simpleng Juan na Umasenso’t Yumaman?”


Halikat’s isa isa natin silang tignan.

Ang Regular na Araw ni Juan Mahirap

Gigising sya sa umaga at magmamadaling pumasok sa trabaho (...kung swerteng may trabaho nga sya).

Madalas contractual. Minimum wage, minsan, less than minimum pa.

Masipag at matyaga naman sya.

Pagtitiisan ang traffic at ang sumpong ng boss na magsungit. At pagkatapos magbanat ng buto buong araw, uuwi ng pagod, magpapahinga para ulitin lahat ito kinabukasan.

Gagawin nya to ng araw araw para sa “kapos‐saktong” sweldo. 

Tama ka, ‘di na ito bagong istorya.

Ano nga ba ang diskarte ni Juan mahirap pagdating sa pera? 

Ano nga ba ang nangyayari pagdating sweldo nya?

“Oras na ng reward.”

Job well done sa pag‐kakayod nga naman.

Bago ang pag‐iipon para sa pangkabuhayan... madalas nauuna ang Jollibee dito, sine doon ‐ celebration.

At ang silent killer ng bulsa:

“Bili ng kung ano‐ano, Kung saan saan, Kahit ‘di kailangan”

Mga abubot.

Bakit?
Kasi may sale, surplus, ukay‐ukay at tianggehan.

“Wag lang malagpasan ng sale,” “minsan lang,” “at mura lang naman,” ang kadalasang mga dahilan. 

Bibili, kahit ‘di naman kailangan.

Ang resulta?

Wala pang akinse o atrenta, ubos na ang pera.

Kaya uutang na lang.

Gustong naman magbago ng buhay ng mahirap na Juan.

Pero magpapaulit‐ulit ang kalagayan nya.

Hangga’t ‘di nya nakikitang patong patong na gastos ang bigay ng abubot nya.

Na ‘pag naipon, pwede nang puhunan sa negosyo.

Pero hindi masamang tao ang mahirap na Juan.

Gaya ng sabi ko, mukha lang ng “diskarte sa pera” ‘to.

Marami satin ang dumaan ‘din sa mentality ng mahirap na Juan. 

Di nya to kasalanan. Maaring misinformed lang.

Paano nga naman, bukod sa ‘di lahat nakapagtatapos ng pag‐aaral... ‘di naman tinuturo ang “pinansyal na kaalaman” sa eskwelahan.

Madalas, ang ugali sa paghawak ng pera ay mga ugaling namana lang.

So, saan napunta ang pera ni Juan Mahirap? 

Dito na papasok ang tinatawag nating:

1) Income at Expense 
2) Assets at Liabilities

Huwag kang magalala, hindi Economics class tong pinasok mo.
Simple lang ‘to...

So, ano ba ang “praktikal” na kahulugan ng “income at expense” at “assets at liabilities”? Unahin natin ang...
  1. Income ‐ ito ang perang pumapasok sayo. In short, “income = kita”. 
  2. Expense ‐ kapag lumabas naman ang pera, tinatawag natin tong “expense”. Sa madaling salita, “expense = gastos”. 
Ngayon, ano naman ang “assets at liabilities”?

Asset ang isang bagay kapag binibigyan ka nito ng income (o kita). 

At liability naman kung expense (o gastos) ang binibigay nito.

Balik sa tanong: saan napunta ang pera ni Juan Mahirap?

Ang maikling sagot: Madalas, mas maraming expense (gastos) kesa income (kita) ang mahirap na Juan. 

Maaaring sa sahod o maliit na “extra” lang sya umaasa para sa income.

Samantalang kaliwa’t kanan naman ang pinaggagalingan ng expense. 

Naloko na!



May pag‐asa pa ba ang mahirap na Juan? 


Promise, malalaman natin yan mamaya. 

Tignan muna natin ang...

Behind the Scenes Kwento Juan Middle Class

Sa unang tingin, ok na ok ang lagay ng Middle Class na Juan.

Ang totoo nyan, malaki ang chansang mapagkamalan mo syang mayaman. 


May bahay, may kotse at nakikita mo silang nagbabakasyon minsan.

At kung may bagong labas na gadget, mag‐uupgrade ang middle class na Juan.


Pero ang di alam ng karamihan...

... marami dito ay promo, hulugan o utang sa credit card (na buwan buwan sa sweldo nakakaltas).

So, saan napunta ang pera ni Juan middle class?

Ang maikling sagot, mas madaming “liabilities” (nagbibigay gastos) kesa sa “assets” (nagbibigay kita) ang binibili ng middle class na Juan.

Imbis na investments na gagawa ng “income,” nauuna sa listahan nya ng paggagamitan ng pera ang “upgraded na lifestyle” – gusto nya ng convenience at quality sa buhay.

Tignan nating halimbawa ‘to.

Kung traditional economics ang pagbabasehan, ang kotse at bahay ay madalas na sinasabing assets. Sa praktikal na buhay ni Juan, masasabi nating outdated na ang pananaw na ‘to.

Sa depinisyon natin ng “asset”, ang isang bagay ay asset kung gumagawa ito ng “income”.

Pero madalas, pagka‐down payment mo ng kotse, bahay o alahas...

...money out kagad. Sa mga susunod na buwan, may babayaran ka ulit. At ‘wag mong kakalimutan, andyan pa ang insurance at tax. Money out nga naman. Liabilities.


Ang kotse ay nagiging asset lang kung nakakatulong sya na gumawa ng income (halimbawa nalang kung gamit sa negosyo).


Ang bahay ay pwedeng maging asset kung papa‐rentahan mo ito, lalagyan ng mga produckto sa negosyo (storage), o ‘di kaya’y kung nagbu‐buy and sell ka ng bahay (at mabebenta mo ‘to ng mas mahal).

Kaya bago ka bumili ng kotse o sasakyan, iisipin mo lagi... sa kalagayan mo ngayon, asset o liability ba ang binibili mo. Kasi, ang akala ng madaming tao na asset, pwedeng liabilities pala.

So, bakit walang oras at stressed out si middle class Juan?

Para mabayaran ang mga liabilities, kailangang mag‐overtime, kumuha ng mas maraming trabaho, at mag‐hangad na mapromote ng middle class na Juan (kung sya ay empleyado).

Para sa mga professionals at self‐employed, kailangan nilang kumuha ng mas maraming kliyente o projects.
In short, kailangan nilang ibenta ang oras at skills nila ng higit pa (sa ginagawa nila dati nung wala pang liabilities) para kumita ng mas malaki.

Tulad sa kalagayan ng isang duktor ‐ kung hindi nya sisiputin ang pasyente nya, wala syang kita. 

Dito mo na makikitang may lumalamon na sa oras ni Juan middle class.

May mga celebrations sa family at friends ang ‘di na nya maa‐attendan.


Kaliwa’t kanang stress na ang kapalit ng upgraged lifestyle ni middle class Juan.


Para sa kayod kalabaw na diskarteng ‘to, gugustuhin niya ng reward tama?

Kaya, mas madalas na syang mag‐taxi, kahit pwede naman mag‐jeep. Starbucks coffee na, dati ok na ang 3‐in‐1. Sa restaurant na mas madalas kakain, kahit pwede naman sa bahay. Ilang halimbawa lang ‘to.

Sa oras na maisip ni Juan middle class na mag‐negosyo, ang kita nyang pang‐puhunan sana, pambayad sa liabilities napupunta.

Kung tatanungin mo siya kung anong gusto niyang baguhin, madalas na sasabihin niyang ibalik sa kanya ang oras nya.

Mabait si Juan middle class...

Gusto niya ng magandang at komportableng buhay para sa pamilya nya. Magaling din sya sa trabaho o propesyon nya.

Sa kasamaang palad, pagdating sa pinansiyal na mindset na meron ang mayayaman... may outdated advice at information siyang dala.

Ang dating akala nating “assets” ay “liabilities” na pala. May pag‐asa pa ba si Juan middle class?

Malalaman natin ‘yan ilang sandali nalang.


Ngayon, tignan muna natin ang...


Sikreto ni Juan Mayaman

Alam mo ba na madaming Juan mayaman ang mga self‐made?

Ibig sabihin, bunga mismo ng sariling pagod, sakripisyo at tiyaga ang tinatamasa nilang tagumpay.

Simple lang kung susumahin mo ang lifestyle niya – may “time and financial freedom”.

Maluwang ang buhay kung may kailangan ‐ may choice sila kung ano ang sasakyan nila, saan sila titira, 
sino ang makakasama at makakatrabaho nila, kelan at saan sila magbabakasyon, at iba pa.

In reality, mas madami din silang chansang makatulong sa kapwa. Gaya ng pagdodonate sa charity at pagsali sa outreach programs.

Balik tayo sa tanong...

Saan napunta ang pera ni Juan mayaman?

Kapag may perang hawak si Juan mayaman, sa “asset” nya ito dinadala. 

At ang asset na ‘to ay kikita pa ng mas maraming pera para sa kanya. 

At ano naman ang gagawin nya sa “bagong dagdag kitang” ito?

Tama ka. I‐iinvest ulit nya sa ibang asset pa.


Ano ba ang mga example ng assets na ‘to?

Andyan ang investments, apartment or kotseng pinaparenta, edukasyon (seminar, trainings atbp.) na 
magtuturo sayo ng skill (na kaya kang bigyan ng “kita”).

"If you think education is expensive, try ignorance."
(Kung tinging mo mahal ang edukasyon, subukan mo ang kamangmangan) 


Assets din ang mga negosyo – lalo na ang mga kumikita ng “passive income”.

Paano ba napagtrabahuhan ni Juan mayaman ang kanyang time and financial freedom?

Ang sikreto?

Passive income at leverage.

Sa praktikal na ibig sabihin, ang passive income ay...

“Income na pumapasok kahit tapos na ang malaking parte ng trabaho mo dito.”

Konting oras nalang ang kailangan ni Juan Mayaman para i‐maintain ang asset nya. Kahit natutulog siya, pumapasok pa rin ang kita.

Hiramin naman natin kay Robert Kiyosaki ang ibig sabihin ng leverage –



(True leverage is the ability to do more and more with less and less.)
“Ang tunay na leverage ay ang kakayanan na gumawa ng mas marami... gamit ang mas kaunti” 

~ Robert Kiyosaki 2002 Retire Young, Retire Rich


Para mas madali nating maintindihan, gamitin nating halimbawa kung...

Paano Nagsimula ang Isang sa Pinaka‐malaking Drugstore sa Bansa

Marami ang nasira nung Word War II.

Pagkatapos nito, kinailangan magre-build ng mga tao.


Dito na papasok si Mariano Que. Napansin nya na may demand sa isang uri ng antibiotic na tinatawag na “sulfa drugs”.

Paano nya nalaman?

Ginamit nya bilang leverage and natutunan nya bilang empleyado sa isang drugstore bago pumutok ang WWII.


Nung mga panahon nuon na nagsisimula ulit ang lahat (at kahit naman ngayon), ang taong may enough information kesa sa iba ay nakalalamang.

Gamit ang 100 piso, bumili sya ng sulfathiazole tablets at kumita sa paglalako nito.

Ginamit nya ang unang mga kita nya para bumili ulit ng mga tableta ni ilalako.


Hindi niya ginastos sa liabilities at abubot ang mga sumunod na kita.


Nag‐ipon sya at gumawa ng kariton (wooden pushcart) na ginamit nya para makapagbenta ng marami pa. 


Naging asset at nagbigay ng leverage sa kanya ang kariton.

Taong 1945, naka‐ipon sya ng sapat na pera para ipatayo ang una niyang drugstore. Pinangalanan niya tong Mercury Drug.

Ngayon, kahit natutulog si Mariano, may humigit kumulang 900 na branches at 11,000 na emplayado ang mga nagttrabaho para sa kanya.
Leverage.

Dahil dito, pumapasok pa rin ang passive income sa kanya.


Pwede mong gawin ang ginawa nya...

Gamitin mo ang pera mo sa pagsimula ng pagkakakitaan.

Andyan lang sa tabi tabi ang mga negosyong kayang magbigay ng passive income at leverage sa’yo


Gaya nalang ng experience ko – ‘di ko inakalang isang maliit na flier lang (na naiabot sakin sa mall) ang magiging tulay para sa isang negosyong nagbigay sakin nito.

Naging ugali ko na na i‐prioritize ang pagkuha ng assets bago liabilities.

Ano ang conclusion natin ngayon na magpapayaman sayo?

Intindihin mo to: hindi lang ang “pagkakaron ng pera” ang nagpapayaman sa tao.

Para hindi ka matulad sa 70% ng lotto winners na lalong nagiging mahirap dahil sa maling diskarte sa pera.

Dapat, alam mo kung paano at saan gagamitin ang pera pag nagkaron ka nito.

Dahil sa internet, mas madali nang maghanap ng negosyong simulan sa maliit na capital at pwedeng palaguin para bigyan ka ng passive income at leverage.

Ang importante – kailangan mo silang hanapin.

Kailangan mong maging open para tumingin tingin at kumuha ng idea.


At pag nakakita ka, pag‐aralan at i‐research mo ‘to.

Nandyan lang sila.


Kailangan mo lang bigyan ng chance ang sarili mo na maging “in‐the‐know”.


Ibig sabihin, kapag andyan na ang pagkakataon sa harap mo... alam mong ‘di mo dapat palagpasin ito. 


At sa pagkakakitaang papasukin mo, ipunin mo lang ang income mo.

Gamitin mo to para palaguin pa ang assets mo.

Hanggang ang kita ng assets at negosyo mo (kahit ‘di mo na directly pinapatakbo) na ang nagbabayad ng bakasyon, gadgets, kotse at bahay ng pamilya mo.

Gaya ng mga self made na Juan mayaman, kaya mo itong simulan.

So...

o Si Juan mahirap–unang binibili ay mga abubot
o Si Juan middl‐class–unang binibili ay liabilities
o At si Juan mayaman naman–unang binibili ay assets

IMPORTANT:
Kung nagustuhan mo ‘tong presentation nating ‘to – maaring magustuhan mo pa ang ibang ideas na meron dito sa blog ko. watch this free video training para magkaron ngleverage income. CLICK HERE

This blog credit by angperanijuan.com

5 TIPS TO MAKE YOUR MONEY GROW IN 2016


Now that the celebrations of the holidays—and the expenses that go with it—are done and over with, it’s time to settle and go back to our daily routines. Back to the office, back to work and earning a living most especially as we try to recover whatever costs we happily spent in the spirit of the giving season.
And as 2015 is now upon us, the inevitable this time is to mull over and create New Year resolutions that will help us become better versions of our selves in the coming months. This includes improving our finances and how we can make our income work for us.
In an interview with InterAksyon, wealth and life coach Chinkee Tan emphasized on starting with the right mindset on creating wealth, overcoming fear, and priority management. Tan explained that people normally worry over how they can still make extra money when they’re already too busy with the demands of their full-time jobs. But Tan noted that before people can work on time management, they should first work on priority management.
“Find out who,what, when, and where we’d like to pour our time and energy, and more importantly, know what is significant to us,” he said.
“The weakness of most Filipinos is that they don’t know how to create money. That’s the reason why most people are in debt. Their income is not enough but they rely only on one source of income,” he added.
Here are Tan’s five suggestions on how we can make our money grow in 2015:
1. Start with an idea and develop it.
“It’s ideas that make money,” Tan stressed, mentioning how most millionaires started their businesses with a simple idea for a product or service. A very popular example, he said, of a revolutionary idea that gained billions is that by Facebook founder Mark Zuckerberg who took action by borrowing USD1,000 from his best friend. Zuckerberg showed us that imagination and creativity are free and we should not be afraid to develop them until we get the “ultimate light bulb” for a good business idea.
2. Resell products.
Tan gave the example of the monopod that sold for Php200 to Php300 in malls but for Php70 in Divisoria. This is an example of how income can easily double or triple. “Be in constant search of people’s needs and emerging interests and work on supplying their demands,” added Tan.
3. Discover your skill and sell is as a service.
Are you good at writing, cooking, graphic design, even house cleaning? Then realize that you can turn these skills into services for extra income. “These are services that can even be delivered in the comforts of your home after office hours or during weekends. Plus, for freelance services, you can be control of your time and the distribution of your available time and resources.”
4. Be a virtual assistant.
Do you have administrative skills and are good at time management? Then this online job could give you the extra income you’re looking for—while you’re working from home. Tan noted, “The emergence of the Internet has made is easy for people to pass on work in minutes and seconds. Materials for editing can now be easily sent over e-mail or graphic design assignments over large virtual storage capabilities such as dropbox. There are also several online platforms that offers virtual jobs on a per piece or project basis.”
Check out job websites listing companies and individuals looking for people to hire online.
5. Be an industrial partner.
Tan noted that for those with the expertise, one does not need to have money to be a
business owner. You can look for financial investors to support and develop your idea into a business. Being an industrial partner means contributing time, effort, and talent instead of giving a financial contribution.
When it comes to growing money, no one else will do it for you but yourself. So, set goals, make your game plan, execute it, and firmly resolve to be financially successful in 2015.
GUSTO MO BANG KUMITA KAHIT BUSY SA IBANG BAGAY? CLICK HERE

Miyerkules, Nobyembre 11, 2015

PAANO BA MAPAPALAKI ANG INCOME KO?


Ano ang isa sa mga pinaka frustrating na mangyari sa buhay mo?
Nagkakandakuba ka na ba sa kakatrabaho pero kulang pa din ang kinikita mo?
Panay na ba ang overtime pero hindi pa din sapat ang extra pay para sa mga bayarin?
Kanan at kaliwa na ba ang sideline pero kinakapos pa din ang perang dumadating?
Kung sumagot ka ng madamdaming “OO!”, narito ang ilang tips ko para sayo:

VALUE YOUR TIME
Actually, mas mahalaga ang oras kaysa pera. Unlimited ang pagpapadami ng kaperahan pero ang oras mo ay LAGING NABABAWASAN at hinding hindi mo kailanman madadagdagan.
Bata o matanda, mahirap o mayaman, pare-parehas tayo na may bente kwatro oras sa isang araw. Ang pinagkaiba lang ay ang pinagkakaabalahan at PINAGLALAANAN ng oras natin.
Once you received your earnings, ano ang activities na ginagawa mo using it? If you really want to increase your income, spend your time doing MONEY-GENERATING ACTIVITIES. Kasabay ng activities na yun, you also need to spend your time …
LEARNING FROM OTHER PEOPLE
Parang yung kasabihan lang yan na, “Birds with the same feather flock together.” Kung ang goal mo is to increase income, join the people with the same goal as yours who will inspire and help you to reach that goal.
Imbis na mag hang out ka on a Friday night, why not attend a seminar that will have great influence in fulfilling your dreams? At imbis na chismis ang laman ng kwentuhan, bakit hindi ka mag join sa usapan na mas makabuluhan?
By spending most of your time with the people to whom you can learn, mahahawa ka sa pagiging focused nila sa goal, sa pagkakaroon ng positive outlook nila sa buhay, at matututunan mo din yung technical knowledge about the certain goal you want to achieve.
At siyempre, if you want to increase your income, you need to …
SAVE AND DECREASE YOUR EXPENSES
Gaano man kalaki ang kinikita mo kung panay din naman ang gastos mo at walang naitatabi, kakapusin ka talaga.

You always need to remember to SEPARATE your wants and needs. Bawasan ang paggastos sa mga UNNECESSARY things. Ano ano ang mga unnecessary things? Alam mo na yan!
At dahil binabawasan mo ang paggastos for wants, meron ka nang mailalaan for your savings. And this will be a very good sign that you’re starting to increase your income.
Lastly, you need to …
STOP ACTING LIKE VICTIMS AND START ACTING LIKE VICTORS
Huwag mo nang sisihin ang pamilya, boss at gobyerno kung bakit kulang ang kita mo! At the end of the day, IKAW naman talaga ang may final decision kung ano ang gagawin sa pera mo.
Take RESPONSIBILITY sa bawat actions mo. Ang mga winner ay yung mga marunong umako ng pagkakamali, handang matuto mula dun sa pagkakamali in the past, at kayang tumayo at lumakad muli towards the goal.
Kaya huwag mo nang sayangin ang oras mo kakaisip na ikaw ay isang hamak na biktima lamang. Ilaan mo na lang ang oras mo sa pag-internalize na ikaw ay PANALO sa laban ng buhay dahil yun ang mag-momotivate sayo to make ways in increasing your income.
THINK. REFLECT. APPLY.
What are the things that consume your time?
Are you saving enough and decreasing unnecessary expenses?
Are you ready to start acting like victors and take responsibility with your own resources?

This blog from http://chinkeetan.com/paano-ba-mapapalaki-ang-income-ko/
Want to value your time ang learn from other people kumita  ng malaki kahit busy sa ibang bagay? Click Here to watch the free video training!